Araw ng Kalayaan, Kasaysayan, Kinabukasan: 127 Taon ng Ating Kalayaan
- CPOA Global
- Jun 12
- 2 min read
Updated: Jun 12
By John Alvi B. Morales June 12, 2025 – Happy 127th Araw ng Kalayaan, Pilipinas!

Sa bawat taon na lumilipas, patuloy nating ipinagdiriwang ang isa sa pinakamahalagang araw sa kasaysayan ng ating bansa—ang Araw ng Kalayaan. Ika-12 ng Hunyo, 1898 nang ideklara ang kasarinlan ng Pilipinas mula sa pananakop. Ngayong 127 taon na tayong malaya, hindi lang ito simpleng holiday—ito ay pag-alala sa sakripisyo, tapang, at pagkakaisa ng ating mga bayani.
Kalayaan Noon at Ngayon
Sa panahon ngayon, iba na ang laban, hindi na espada at baril, kundi laban para sa oportunidad, hustisya, at mas magandang kinabukasan. Pero pareho pa rin ang diwa: ang pag-angat ng bawat Pilipino.
Pero sa pagdiriwang ng Araw ng Kalayaan, mahalagang tanungin natin ang sarili:
Tunay na ba tayong malaya? Tunay bang nararanasan natin ang pakiramdam ng pagiging malaya—o isang ilusyon lang ito, habang nakakulong pa rin tayo sa bayang pinaglaban nating maging malaya noon pa?
Kalayaan nga ba kung marami pa rin ang takot magsalita? Kung ang edukasyon at hanapbuhay ay para lang sa iilan? Kung ang sariling bansa ay parang hindi nagbibigay ng pantay na pagkakataon sa lahat?
Kalayaan, Hindi Lang Noon Pati Ngayon
Kalayaan ay hindi lang tungkol sa nakaraan. Ito rin ay ang karapatang pumili, magpahayag, mangarap, at gumawa ng pagbabago.
Ngayong 2025, tanungin natin ang ating sarili:
Paano ako makakatulong sa bayan? Ano ang ambag ko sa kinabukasan ng Pilipinas?
Sama-sama Tayo, Para sa Bayan
Maging proud ka, Pilipino! Sa gitna ng mga hamon, hindi tayo sumusuko. Patuloy tayong nagkakaisa, nagtutulungan, at nagmamahalan bilang isang bansa.
Ngayong Araw ng Kalayaan, ipagdiwang natin ang ating pinagmulan at higit sa lahat, pag-isipan natin kung paano natin tunay na mararamdaman ang kalayaang pinaglaban para sa atin.
Mabuhay ang Pilipinas! Mabuhay ang bawat Pilipino!
Comments